Inordenahan hapon ngayong ika-17 ng Pebrero ang apat na seminarista bilang mga bagong diyakono ng Diyosesis ng San Pablo. Pinangunahan ni Obispo Marcelino Antonio Maralit Jr ang pagdiriwang na dinaluhan ng mahigit isandaang kaparian.
Si Reb. Sebastian Eric Ambrocio ay mula sa Santa Cruz, si Reb. Christian Completo ay nagmula sa Lungsod ng Cabuyao, si Reb. Christian Pajutan ay nanggaling sa bayan ng Bay, at si Reb. John Mark Sedano ay mula sa bayan ng Lumban.
Ang diyakono ay ang unang antas sa Banal na Orden. Ang mga diyakono ay itinatalaga upang maglingkod sa Simbahan sa pamamagitan ng kawanggawa. Sa banal na Liturhiya, ang mga diyakono ay inatasan upang: magpahayag ng Mabuting Balita at mag-homiliya, magbasa ng mga intensyon sa Panalangin ng Bayan, tumulong sa Banal na Komunyon, mag-Binyag, at mag-Kasal.