PANALANGIN NG PASASALAMAT
PARA SA BIYAYA NG BAGONG OBISPO

DOWNLOAD PDF

Ama naming makapangyarihan, ikaw ang pastol na lumilingap sa tanan.
Patuloy mong ipinamamalas sa amin ang iyong kabutihan
sa patuloy mong paghirang ng mga pastol na aakay sa iyong kawan.
Nagpapasalamat kami sa iyo sa paghirang kay Obispo Marcelino Antonio
bilang aming bagong obispo at tagapanguna.
Ang pagsusugo mo sa kanya bilang aming pastol
ay tanda ng iyong walang sawang pagsubaybay sa amin.

Ipinapanalangin namin si Obispo Marcelino Antonio,
patuloy mo siyang pagkalooban ng pusong katulad ng sa iyo
upang lagi siyang handang makapaglingkod
at magmahal sa iyong kawan ng walanghinihinging kapalit.
Ipinapanalangin din namin ang aming mga kaparian na katuwang ng aming obispo sa paglilingkod.
Pagkalooban mo rin sila ng pusong masunurin at maamo upang sila
ay maging mga mabuting katuwang at kamanggagawa ng obispo
sa pagtataguyod ng kabutihan ng iyong bayan.
Patuloy kaming sumasamo sa iyo, kaming iyong mga anak
dito sa Diyosesis ng San Pablo, na sa aming paghihintay sa pagdating ng aming punong taga-akay
at tagapanguna, maihanda namin ng ganap ang aming puso sa pagtanggap
sa kanyangpagpapastol ng may buong kapakumbabaan at kababaang-loob.

Isinasamo namin ang lahat ng mga ito sa iyo, upang ng sa gayon ay patuloy namamalas
ang iyong kabutihan at paghahari dito sa lupa.
Ang lahat ng ito ay aming hinihiling sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng EspirituSanto magpasawalang hanggan. Amen

Mahal na Birhen ng Turumba, ipanalangin mo kami.
San Pablo Unang Emritanyo, ipanalangin mo kami.
San Pedro Bautista, ipanalangin mo kami.