Paskuhan at Kapistahan ng Epipanya, Ipinagdiwang sa Mabitac

by: Candela Lux Media Ministry | January 10, 2025

Pinangunahan ng ating Mahal na Obispo, Lub. Kgg. Marcelino Antonio M. Maralit, Jr., D. D., ang Pagdiriwang ng Banal na Misa ng Dakilang Kapistahan ng Epipanya ng Panginoon sa Nuestra Señora De La Candelaria Parish – Mabitac, Laguna noong Enero 05, 2025 sa ganap na ika-5 ng hapon.

__wf_reserved_inherit
Photo: Cyron John Valdenarro, Isha dela Torre & Yeka Gimeo, Nuestra Señora De La Candelaria Parish – Mabitac

Ang Bayan ng Mabitac ay binibigyan pansin ang Pagdiriwang na ito sapagkat inuugnay ito sa Pagdating ng Tatlong Hari Mago na nagsipaghandog ng alay sa ating Panginoon ng isinilang Siya ni Maria. Ito rin ang tinawag na “Paskuhan” sa bayan ng Mabitac, tuwing Enero 6 ay mayroong tradisyunal na pasabog ng barya sa Mabitac Town Plaza na dinarayo ng mga tao mula sa iba’t ibang bayan.

__wf_reserved_inherit
Photo: Cyron John Valdenarro, Isha dela Torre & Yeka Gimeo, Nuestra Señora De La Candelaria Parish – Mabitac