DALAW NAZARENO 2024 sa Parokya ni San Sebastian Martir – Lumban

by: Agatha Cristie Raga | January 2, 2025

LUMBAN, LAGUNA | Noong Oktubre 17 ay nagsimula ang pagdalaw sa bayan ng Lumban ng imahen ng Mahal na Poong Hesus Nazareno mula sa Quiapo, Maynila.

__wf_reserved_inherit
Ang Pagbabasbas at Pagtanggap sa Mahal na Poong Nazareno (Photo from San Sebastian Parish Lumban)

Ang imahen ay sinalubong ng mga debotong Lumbeño at sinundan ito ng maikling prusisyon mula San Sebastian Chapel patungo sa simbahan kasabay ng rito ng pagtanggap na sinundan ng pagdiriwang ng Banal na Misa sa ganap na ika-5 ng hapon na ini-alay ni Reb.P. Ricardo Basquiñez, MF kasama ang kaniyang mga katuwang na Pari na sina Reb. P. Frederick Torres, MF at Rev. Fr. Edilberto G. Mesias, MF.

__wf_reserved_inherit

Nanatili ang imahe ng Poong Nazareno sa parokya hanggang Oktubre 21, 2024, Lunes.