Ang Grand Marian Procession sa Parian: Isang Pagpaparangal at Pasasalamat

by: Augustinus Social Communications Ministry | January 2, 2025

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Santo Rosaryo at ng Pinilakang Taon ng Hubileyo ng Parokya ng San Agustin, isinagawa ang kanilang Parish Grand Marian Procession na may temang “Inang Kapaham-pahaman”, noong Oktubre 20, 2024, Linggo, matapos ang Banal na Misa ng ika-5 ng hapon.

Mahigit 20 imahen ng Mahal na Birheng Maria, sa kanyang iba’t ibang titulo, ang lumahok sa nasabing prusisyon na nagmula pa sa iba’t ibang parokya. Para sa taong ito, tampok ang imahen ng Nuestra Señora de los Angeles na nasa pangangalaga nina Aldrin Reyes at Ronnie de Mesa at Pamilya bilang La Virgen Festejada 2024.

__wf_reserved_inherit
Photo from Augustinus Social Communications Ministry

Sa pagtatapos ng prusisyon, pinangunahan ng kanilang kura paroko, Rdo. P. Clifford M. Miras, ang maringal na pagbabasbas at pagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria.